Biyernes, Nobyembre 3, 2017

Eutanasya










        Ano ang Eutanasya?


             
      Ang Eutanasya (Ingles: euthanasia) o Mercy Killing ay ang pagpapatiwakal ng isang indibidwal na nagnanais ng wakasan ang sariling buhay sa tulong ng ibang tao. Ito ay maaaring makatulong sa isang indibidwal na wala ng pisikal na kapasidad na isagawa ang pagpapakamatay dahil sa matinding karamdaman. Ang karaniwang tumutulong sa pagsasagawa ng isang eutanasya ay isang miyembro ng pamilya o doktor. Ang eutanasya ay isang moral at pampolitikang isyu sa maraming bansa, tulad ng kinasangkutang iskandalo ng doktor na si Dr. Jack Kevorkian, isang doktor na tagapagtaguyod ng karapatan ng mga taong nagnanais magpakamatay sa pamamagitan ng eutanasya. Dahil sa pagsasagawa ni Dr. Kevorkian ng eutanasya sa ilang pasyente, siya ay nahatulang mabilanggo sa kulungan. Ang ganitong pamamaraan ay hindi pinapayagan o hindi legal dito sa ating bansa. Ngunit may mga bansa na legal o pwede ang mga ganitong gawain. Halimbawa na lamang ay ang bansang Switzerland kung saan ang bansang ito ay dinarayo ng mga indibidwal mula sa ibang bansa na nagnanais na magpakamatay sa pamamagitan ng Euthanasia.








          Mayroong panuka­lang batas ukol sa “mercy killing” o ang tinatawag na Euthanasia Bill pero nalalambu­ngan pa rin ito ng ulap dahil sa maraming isyu — emotional, legal at pangrelihiyong usapin. Isasagawa lamang ang Euthanasia kapag ang taong may mabigat na sakit ay hiniling sa doctor ganoon din sa kanyang mga kamag-anak na kitilin na ang kanyang buhay. Gayunpaman ma­rami ang nagsasabing mas mabuti ang euthanasia sapagkat natata­himik na ang tao kaysa hayaang buhay na nahihirapan.Isa sa mga paraan ng pagsasagawa ng Euthanasia ay ang pag-aalis sa support o ang pag-aalis ng medical treatment. Mahirap magdesis­yon para sa pamilya ng pasyente. Nagbibigay ito ng pagkabahala at hindi malaman ng ba­wat isa kung tama bang kitilin na ang buhay ng pasyente. Mayroong  iba na hindi itinutuloy ang balak at hinaha­yaan na lamang ang pasyente sa sitwas-yong nakaratay ito at hintayin ang oras. Mahirap ang isyung ito kaya naman dapat magkaroon ng ugnayan ang Philippine Medical Association, Department of Health at Department of Justice, kasama ang mga mam­babatas para ma-dissect at maplantsa ang isyu sa Euthanasia.





Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Euthanasia?

       Ang euthanasia o ang pagpapaubaya na mamatay ang isang tao dahil sa awa ay isang napakahirap na usapin. May dalawang bagay na mahirap ibalanse tungkol sa isyung ito. Sa isang banda, ayaw natin na ilagay sa ating sariling mga kamay ang buhay ng isang tao at hayaang matapos iyon ng wala sa panahon. Sa isang banda naman, hanggang saan natin hahayaang maghirap ang isang tao at hanggang kailan natin siya hahayaan na lamang na mamatay ng kusa? 
       
     
   Mayroon din ang hindi pumapayag tungkol dito isang halimbawa na ang Simbahang Katoliko. Ayon sa kanila, na ang pisikal na kamatayan ay hindi maaaring hadlangan ng sinuman.Ang Diyos lamang ang may kapamahalaan kung saan at kailan magaganap ang kamatayan ng isang tao. Ang euthanasia ay ang paraan ng tao upang pangunahan ang Diyos. Ang kamatayan ay isang natural na kaganapan. Minsan, pinahihintulutan ng Diyos ang isang tao na magdusa ng mahabang panahaon bago mamatay; sa ibang pagkakataon naman ang paghihirap ng isang tao ay maiksi lamang. Walang taong ikinatutuwa ang pagdurusa, ngunit hindi ito nagbibigay ng karapatan sa tao upang humatol sa kahandaang mamatay ng isang tao. Kadalasan, ang layunin ng Diyos ay nahahayag sa pamamagitan ng paghihirap ng isang tao. May layunin ang Diyos sa buhay mula umpisa hanggang sa katapusan. Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng pinakamabuti at laging perpekto ang Kanyang panahon, maging ang panahon ng kamatayan. 
 
          Sa parehong paraan, hindi tayo inuutusan ng Bibliya na gawin ang lahat upang mapanatiling buhay ang isang tao. Kung ang isang tao ay binubuhay na lamang ng mga makina, hindi imoral na patayin na ang mga makina at hayaan na mamatay ang isang tao. Ang ganitong pagdedesisyon ay napakahirap at napakasakit. Hindi madaling sabihin sa isang doktor na alisin na ang mga makinang sumusuporta sa hininga ng isang mahal sa buhay. Hindi natin dapat na tapusin ang buhay ng isang tao ng wala pa sa panahon, ngunit gayun din naman, hindi nararapat na gumawa tayo ng mga ekstra-ordinaryong pamamaraan upang panatilihing buhay ang isang tao. 




    

      Nakakaapekto ito sa pamilya ng namatayan sapagkat ang pagkamatay ng taong dumanas ng euthanasia ay hindi natural at ginawa nalang dahil sa kawalan ng pera, upang hindi na mahihirapan o magdusa pa sa iniindang sakit. 

Sang-ayon ba kami  sa Euthanasia o Mercy killing?
     Sa tingin namin depende sa sitwasyon. Hindi mo naman siguro pababayaan o hahayaan na lamang yung mahal mo sa buhay na gusto pang mabuhay at patuloy paring lumalaban sa kabila ng kanyang nararamdamang sakit. Kung ganyan yung sitwasyon, kahit na siguro ubusin pa lahat ng ari-arian , mapagaling lamang siya at madugtungan pa ang buhay niya, gagawin ko. Pero kung siya na mismo o yung pasyente na mismo ang ayaw lumaban sa sakit niya, wala ring mangyayari kung patuloy mo pa rin syang ipaglalaban.





‘Kamatayan na may dignidad’ binabanggit ng iba na ang bawat tao ay may karapatan sa isang mapayapang kamatayan. Ang mamatay ng tahimik na hindi nagdudusa. 








 Pinagmumulan:

                 Wikipedia Philippines
                 Elicano(2008)
                 Philstar Philippines


                                                              




                                           Maraming Salamat sa Pagbabasa!





Inihinda ng: Group 8


Right to Protection

Right to Protection and Social Security          S ocial security is a fundamental human right recognized by most international ...